NAGA CITY- Nakubkob ng mga militar ang pinaniniwalaang kampo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy Manoot, Rizal, Occidental Mindoro.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Capt. Jayrald Ternio, chief ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 2nd Infantry Division, Philippine Army, sinabi nitong tumagal ng halos 30 minuto ang bakbakan ng magkabilang panig.

Ayon kay Ternio, wala naman nasugatan o namatay sa panig ng mga sundalo ngunit pinaniniwalaang mayroon nasaktan sa mga rebelde dahil sa bakas ng mga dugo na naiwan sa encounter site.

Narekober ng mga otoridad ang isang M16 rifle, isang Cal .38 pistol, walong eight anti-personnel mines, IED components, live ammunition, food stuff, personal effects at enemy documents na sinasabing may high intelligence value.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang clearing operation ng mga otoridad sa naturang lugar.