NAGA CITY- Napasakamay ng mga otoridad ang kapatid ng tinaguriang Shabu Queen sa Canaman, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Virgilio Natividad.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCapt. Bienvinido Encisco, hepe ng Canaman-pNP, sinabi nito na sinilbihan nila ng search warrant ang suspek kung saan narekober dito ang 11 sachet ng pinaniniwalaang shabu na nasa P10, 000 ang halaga at mga drug paraphernalia.

Ayon kay Enciso, una ng sumuko sa kanila ang suspek ngunit muli nanaman itong bumalik sa iligal na gawain.

Maaalala na una ng naaresto sa kaparehong iligal na gawain ang kapatid an nito na si Loida Natividad na kinukonsiderang ‘Shabu Queen’ kung saan malaking halaga ng iligal na droga ang narecover dito.