NAGA CITY- Kinumpirma ngayon ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na aprubado na sa Senado ang karagdagang 500 bed capacity sa Bicol Medical Center sa Naga City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Radyo Naga kay Pangilinan, principal author ng nasabing panukala, aprubado na umano ito sa 3rd and final reading sa Senado.
Ayon kay Pangilinan, maari na aniyang makapag accommodate ng 1000 bed ang dating nasa 500 bed capacity na ospital.
Aniya, maliban dito magkakaroon din ng upgrading ng ilang pasilidad, health care services at karagdagang man power sa nasabing ospital.
Nabatid na ang BMC ang napiling ospital sa Naga City na mangunguna sa mga taong maaapektuhan ng coronavirus disease.
Samantala, nakatakda namang simulan ang konstruksiyon ng naturang pasilidad sa susunod na buwan.