NAGA CITY- Pumalo na sa mahigit 700 ang bilang ng mga tinamaan ng Coronavirus disease (COVID-19) sa Bicol Region.
Ito ay matapos maitala ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol ang 22 new confirmed cases sa rehiyon.
Sa nasabing bilang siyam ang mula sa lalawigan ng Masbate (4 Cataingan, 2 Mobo, 1 Pio V. Corpuz, 1 Milagros, 1 Uson), pito sa Albay (Legazpi City), dalawa sa Sorsogon (1 Donsol, 1 Bulan), tatlo sa lungsod ng Naga, at isa naman ang naitala sa San Fernando, Camarines Sur.
Sa ngayon, mayroon nang kabuuang bilang na 709 ang kaso ng COVID-19 sa Bicol kung saan nasa 402 naman ang active cases.
Advertisement
Samantala, nananatili naman sa 18 ang bilang ng mga binawian ng buhay dahil sa naturang pandemya.
Advertisement