NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa Tayabas City.

Kinilala ang biktima na si Richard Pagador Matos, 41-anyos, residente ng Sitio Ilaya, Brgy. Wakas sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ng ina ng biktima ang katawan nito na nasa higdaan at wala ng buhay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nakakaranas ng hypertension at stress si Matos kung kaya ito ang pinaniniwalaang naging dahilan ng pagkamatay nito.

Samantala, wala naman umanong nakitang indikasyon na nagkaroon ng foul play sa nasabing insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.