Tinanggal sa puwesto ni Sec. Hans Leo Cacdac, kalihim ng Department of Migrant Workers (DMW), ang ilang kawani ng ahensya sa Bahrain matapos ireklamo ng mga overseas Filipino workers (OFW) dahil sa umano’y hindi magandang pagtrato sa kanila.

Ayon sa ulat, nagreklamo ang ilang OFW na lumapit sa Philippine Embassy sa Bahrain upang humingi ng tulong kaugnay ng nararanasang krisis sa Gitnang Silangan ngunit umano’y pinagtabuyan ng mga tauhan ng DMW.

Dahil dito, agad na nagpasya si Cacdac na iparecall ang mga nasabing kawani at tanggalin ang mga ito sa kanilang puwesto habang iniimbestigahan ang insidente.

Sinabi ng kalihim na pagpapaliwanagin ang mga tauhan tungkol sa kanilang naging asal sa mga OFW.

Advertisement

Binigyang-diin din ng opisyal na inaasahan sa mga kawani ng DMW na magbigay ng maayos at agarang tulong sa mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa, lalo na sa panahon ng krisis.

Advertisement