NAGA CITY – Matagumpay na naisagawa ang KBP Broadcastreeing 2019 ng mga miyembro ng media sa Camarines Sur.
Kasama sa naturang aktibidad ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Naga, mga estudyante at mga guro mula sa Concepcion Grande Elementary School, Naga City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Bong Echalose, Chairman ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP) Camarines Sur Chapter, sinabi nitong tinatayang nasa 110 katao ang sabay sabay na nagtanim ng mga seedlings.
Ayon kay Echalose, magkakaroon ng regular na pagbista ang City Environment & Natural Resources Office (CENRO) Naga sa nasabing paaralan upang matiyak ang paglaki ng mga punong kahoy.
Sa kabilang dako, labis naman ang pasasalamat ng Principal ng nasabing paaralan na si Yvette DS San Juan sa pagkakapili sa kanila bilang venue ng nasambing KBP Broadcastreeing 2019.
Ayon pa kay San Juan, isa umano ito sa adbokasiya para maipakita ang pangangalaga sa kapaligiran.