Nakisaya at nakisabay si dating Kiko Barzaga sa mga netizen matapos umani ng atensyon ang isang contestant sa isang noontime show segment na umano’y kahawig niya.
Sa isang magaan na reaksyon, pabirong sinabi ni Barzaga na baka kailangan na niyang “magpalit ng karera” mula sa pagiging kongresista dahil sa pagkakahawig ng naturang kalahok sa kanya.
Mabilis na kumalat sa social media ang mga larawan at video ng contestant, na nagbunsod ng samu’t saring komento at biro mula sa mga manonood. Marami ang napatawa at sumang-ayon sa pagkakahawig nito sa dating mambabatas.
Ikinatuwa naman ng mga netizen ang pagiging game ni Barzaga sa naturang usapan, na lalo pang nagdagdag sa viral na kasikatan ng segment at ng kanyang umano’y look-alike.
Advertisement
Advertisement














