NAGA CITY – Sinuspendi na ni Camarines Sur Gov. Migz Villafuerte ang klase sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan sa lalawigan.
Ang naturang advisory ng gobernador ang bahagi ng paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Ramon sa CamSur.
Una rito, inatasan na rin ni Villafuerte ang mga disaster response units at mga opisyal ng bawat bayan na i-activate ang kanya-kanyang Operation Centers para sa mga hindi inaasahang pangyayari.
Sa ngayon kasama na ang Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay at Sorsogon na nakataas na ang tropical cyclone wind signal number 1.
Sa kasalukuyan, nararamdaman na rin ang mga panaka-nakang pag-uulan sa ibang bahagi ng lalawigan.