Magsasagawa ang Kilusang Mayo Uno (KMU) ng malawakang kilos-protesta sa Mayo 1 bilang paggunita sa Labor Day, kasabay ng panawagan para sa umento sa sahod at pagbaba ng presyo ng mga bilihin.

Ayon kay KMU chairman Jerome Adonis, makikiisa rin ang Bagong Alyansang Makabayan sa rally na magsisimula sa España Boulevard at magmamartsa patungong Mendiola sa Maynila.

Bukod sa Metro Manila, magsasagawa rin ng mga kaparehong protesta sa iba’t ibang rehiyon kabilang ang Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Negros, Cebu, Panay, at Davao.

Igiit ng grupo ang panawagan para sa makabuluhang pagtaas ng sahod, pagbawas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, at pagbibigay ng sapat na subsidiya mula sa gobyerno sa gitna ng krisis sa enerhiya.

Advertisement

Sa kanilang pahayag, sinabi ng KMU na ipapakita nila ang galit ng mga manggagawa sa Malacañang dahil sa umano’y patuloy na mababang pasahod at kakulangan ng tunay na solusyon sa krisis pang-ekonomiya.

Advertisement