Lumampas sa target ang koleksyon ng BIR noong Abril 2026 matapos makalikom ng P422.378 bilyon, mas mataas ng P12.776 bilyon o 3.12 porsyento kumpara sa itinakdang target ng ahensya.

Ayon sa BIR, mas mataas din ng P551.11 milyon ang nakolektang kita ngayong Abril kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Nagpatuloy umano ang matatag na performance ng ahensya kahit na pinalawig ang deadline ng paghahain ng Annual Income Tax Return (AITR) upang mabigyan ng dagdag na panahon ang mga taxpayer.

Sinabi ni Charlito Martin R. Mendoza na ang pagtaas ng koleksyon ay bunga ng pinaigting na kampanya sa pagbubuwis at mas mataas na kumpiyansa ng publiko sa sistema ng ahensya.

Advertisement

Mula Enero hanggang Abril 2026, umabot na sa P1.155 trilyon ang kabuuang koleksyon ng BIR, na mas mataas ng P39.972 bilyon kumpara sa parehong panahon noong 2025.

Naniniwala rin ang ahensya na nananatili silang nasa tamang direksyon upang maabot ang kanilang taunang revenue goal at inaasahan nilang magpapatuloy ang positibong koleksyon sa mga susunod na buwan kabilang ang Mayo.

Advertisement