Alam ba ninyo mga ka-bombo, isang outdoor brand na Arc’teryx at Google spinoff Skip ang kamakailan lang nag-teamed up upang gumawa ng tinatawag na world’s first powered pants na tinawag bilang MO/GO o mountain goat.
An nasabing innovative garment ang hindi lamang basta bahagi ng kasuitan dahil mayroon itong carbon fiber na sumusuporta sa structures at nagsisilbing source ng feed power mula sa integrated AI-controlled motors at tuhod sa sinuman na susuot nito.
Ito ay minarket bilang mobility device, at ang MO/GO pants ang idenesenyo upang mas magin accessible pa sa mga taong mahilig sa hiking ngunit walang lakas na gawin ito.