Alam ba ninyo mga ka-bombo, ang kopya ng libro ni Ernest Hemingway na The Sun Also Rises ang muling naibalik sa Connecticut library makaraan ang 56 taon.
Ito ay mayroong kasamang note na nagpapaliwanag sa pagkaka-delay ng pagbalik sa libro at cheque upang pambayad sa halaga ng nasabing libro.
Ayon sa Greenwich Library sa kanilang social media post, ang libro ay maituturing na most overdue book of all time sa kanilang pasilidad.
Pinasalamatan naman ng Library officials ang nagbalik sa libro matapos na maintindihan na hindi naman nito sinasadya ma-delay ang pagbalik sa kopya.