NAGA CITY – Patuloy ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa narekober na iba’t-ibang uri ng armas, bala at mga pambabasog sa Barangay Tanawan, Capalonga, Camarines Norte.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincil Office (CNPPO), nabatid na habang nagsasagawa ng intelligence driven operation ang mga otoridad sa naturang lugar ng madiskubre at marekober nito ng mga ito ang imbakan ng mga armas.

Kaugnay nito, narekober sa lugar ang isang M14 Rifle; walong piraso ng magazine para sa M14; isang high cap magazine para sa 9mm; 133 piraso ng bala para sa M14; 25 piraso ng bala para sa calibre 38 rebolber; walong piraso ng bala para sa 9mm; pitong piraso ng 6kg na landmines; 27 piraso ng 3.5 kg na landmines; Industrial wires na tinatayang 700 metro ang haba at ang detonation cord na tinataya namang nasa 300 metro ang haba.

Samantala, pinuri naman ni PRO 5, RD PBGen. Jonnel Estomo ang matagumpay na operasyong ito na bahagi ng pinaigting at pinalakas na kampanya laban sa insurhensya sa rehiyon.

Advertisement

Aniya, isa na naman itong indikasyon sa tuluyang paghina ng teroristang grupo kung saan pinasalamatan din nito ang komunidad sa aktibong koordinasyon at suportang ibinibigay sa kapulisan at kasundaluhan.

Sa ngayon, ang mga narekober na mga paraphernalia ay dinala na sa Tactical Command Post sa Camarines Norte 2nd Provincial Mobile Force Company Headquarters para sa imbentaryo bago ito iturn-over sa kustodiya ng 9th Infantry Battalion, Philippine Army.

Advertisement