NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos na pagtatagain sa Lopez, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Dunay, 45-anyos residente ng Barangay Gomez sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang pauwi na kanyang bahay ang suspek na kinilalang si alyas Lean/Balong, 34-anyos, resident ng Brgy. Burgos, Lopez,
Quezon, ng komprontahin ito ni alyas Dunay. Bunsod nito, nagkaroon ng mainit na diskusyon ang dalawa na nagresulta upang sundan ng biktima ang suspek sa kanyang bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman pa na pagdating sa bahay ng suspek ay dito nito kinuha ang bolo at dito naman nito pinagtataga si alyas Dunay sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Samantalan, kaagad naman dinala sa ospital ang biktima para sa asistensya medikal.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga Lopez Municipal Police Station si alyas Lean para sa karampatang kaparusahan.