NAGA CITY – Arestado ang isang lalaki dahil umano sa panggagahasa nito sa isang menor de edad sa Iriga City.

Kinilala ang suspek sa pangalang Jhun, 24-anyos, residente ng Barangay San Miguel, sa naturang lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na agad na nagsumbong ang 16-anyos na biktima sa mga otoridad matapos ang krimeng ginawa ng suspek.

Dahil dito, agad na umaksiyon ang mga otoridad at inaresto ang nasabing suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na nakilala ng biktima ang suspek sa Facebook at sa pamamagitan ng ‘chat’, inimbita ito para mag-swimming at napag-usapan ng biktima at ng suspek na magkta sa sentro sa naturang lungsod.

Kaugnay nito, nagkainuman ang dalawa at habang nasa impluwensiya ng alak ang biktima ay dito na ginahasa ng suspek ang mnor de edad.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek habang inihahanda na rin ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ang kasong paglabag sa Republic Act 8353 o Anti-Rape Law in relation to RA 7610 o Anti-Child Abuse Law laban sa suspek.