NAGA CITY- Arestado ang isang indibidwal matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa San Antonio, Quezon.

Kinilala ang suspek na si Rodel Puyo Lubrica, 34 -anyos, residente ng Brgy Behia, Tiaong, sa nasabing lalawigan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na nasamsam ng mga otoridad sa suspek ang dalawang sachet ng nasabing iligal na droga na may timbang na nasa 2.5 grams.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na ang pinaniniwalaang shabu ay may kabuuang halaga na P60,000.00.

Advertisement

Samantala, ang nasabing suspek naman ay newly identified sa iligal na aktibidad.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Advertisement