NAGA CIY- Dead on arrival ang isang lalaki matapos makabangga sa isang pick-up truck sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Limuel, 24-anyos, residente ng nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabaybay ng isang alyas Kenet, residente rin nang naturang lugar, gamit ang isang pick-up truck ang Guis-Guis Lutucan sa Brgy Lutucan 1 sa nasabing bayan ng lumiko ito pakaliwa at mag-overtake rin si Alyas Limuel gamit ang pinagmamaneho nitong motorsiklo sa kaparehong deriksyon rason upang mabangga nito ang pick-up truck.

Sa inisyal na imbestigasyon kan mga otoridad, mapapatid pa na dahil sa insidente nagtamo ng malalang sugat sa ulo si Alyas Limuel na agad ring dinala sa ospital para sa gamotin ngunit sa kasamaang palad, ideniklara rin itong dead on arrival ng doktor.

Sa ngunyan ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.