NAGA CITY- Patay ang isang binata matapos na magbigti sa Zone 6 Brgy. Amoguis, Lagonoy Camarines Sur.

Kinilala itong si Pepito Villaflores 20-anyos residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office CSPPO, nabatid nakatanggap ang kapulisan ng report mula lola ng biktima.

Ayon sa report, sinasabing nakita na lamang nito ang kanyang apo na nakabitay gamit ang isang lubid sa kusina ng kanilang bahay.

Kaugnay nito, agad naman itong nirespondehan ng mga otoridad subalit wala na itong buhay ng kanilang madatnan.

Una rito, pinaniniwalaang nareject ang biktima ng kanyang nililigawan kung kaya nakaranas ng frustration at depression.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.