NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos magpakamatay sa Lopez, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Jemar Florez Antiquera, 28 taong gulang, residente ng Barangay San Francisco A sa nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita mismo ang biktima ng ina nito na nagbibigti.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, wala man silang nakitang foulplay sa nasabing insidente.

Sa ngayon, patuloy pa ring inaalam ang posibleng sanhi ng pagpapakamatay ng nasabing biktima.