NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki matapos magbigti sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Renante Cortez Javier, 20-anyos, residente ng Sitio San Isidro, Brgy. Manggalang Tulo-Tulo sa nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nadiskubre ang biktima ng kaniyang ama habang nakabitay sa isang puno ng kahoy sa tapat ng kanilang bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad napag-alaman rin na bago matagpuan ang wala ng buhay na katawan ni Javier, inamin ng ama na kaniya itong pinagalitan na posible aniyang dinamdam nito na nagin dahilan para ito ay magpakamatay.

Samantala, wala naman nakitang kahit anong foul play ang mga otoridad.

Pinaniniwalaan rin na posibleng nabiktima ito ng online scam ayon naman sa mga mensahe at transaksyon sa kaniyang cellphone.

Ayon kasi sa Ama ng biktima, nanghiram aniya si Javier ng P5,000 na halaga ng pera at nangako na babayaran lang ngunit hindi ito nakapagbayad.

Sa ngayon ay nagpapatuloypa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente.