NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na magpakamatay sa Tiaong, Quezon.

Kinilala ang biktima na si R-jay Durante, 31-anyos, residente ng Sitio Tikob, Brgy. San Pedro sa nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon kan Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita na lang na wala ng buhay ang biktim ng kaniya mismong live in partner na si Marissa Grande sa loob ng kanilang banyo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman pa na nakakaranas ng depression ang biktima dahil sa problema sa pera na pangsuporta sa kaniyang pamilya.

Samantala, wala namang nakitang foul play ang mga kapulisan sa pinangyarihan ng insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa nasabing insidente.