NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng dalawang beses sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Enrique De Castro Montilla, 48-anyos, residente ng School View Park Subdivision Brgy Masalukot 1, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang naglalakad ang biktima sa gilid ng kalsada patungo sa direksyon ng Maharlika Highway ng sundan ito ng hindi pa nakikilalang suspek at pinagbabaril ng dalawang beses ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa insidente nagtamo ito ng tama ng bala ng baril sa likod at sa likod bahagi ng kaniyang ulo si Montillo na naging dahilan ng agaran nitong pagmatay.

Ayon pa sa imbestigasyon, narekober sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang fired cartridge cases ng baril.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad lalo na ang pagtukoy sa posibleng kinaroroonan at pagkakakilalan ng suspek na agad namang tumakas matapos ang nasabing krimen.