NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos ma-hit and run sa Sariaya, Quezon. 

Kinilala ang biktima na si Jemar Moreno, 31-anyos, residente ng Brgy Cutay, Carigara, Leyte.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang binabaybay ng  na biktima ang Maharlika Highway patungong southbound direction ng Brgy Concepcion Palasan, sa nasabing bayan gamit ang minamaneho nitong motorsiklong nang mabangga ito ng isang Ten-wheeler truck na minamaneho naman ng hindi pa nakikilalang suspek.

Samantala, agad naman tumakas ang suspek sa direksyon ng Lucena City matapos ang insidente.

Agad naman sanang dinala sa ospital si Moreno ngunit sa kasamaang palad, ay idineklara itong dead on arrival ng doktor.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente gayundin ang pagkilala sa pagkakakilanlan ng suspek.