NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos na mabangga ng truck ang dalawang motorsiklo sa Nabua, Camarines Sur.
Kinilala ang binawian ng buhay na si Nelson Laborte, 26-anyos, residente ng Zone 5, Brgy. Salvacion, Buhi sa nasabing lalawigan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ng motorsiklo na minamaneho ng biktima ang kalsada patungo sa Nabua Town Proper ng mabangga at masagasaan ito ng truck na minamaneho naman ni Fernan Manalo, 36-anyos, residente ng Ma. Concepcion, Socorro, Oriental Mindoro.
Samantala, agad namang dinala sa ospital ang biktima ngunit ideklara rin itong dead-on-arrival ng mga doktor.
Sa kabilang banda, hindi naman nasaktan ang driver ng isa pang motorsiklo na si John Lloyd Santos, 24-anyos, residente ng Coral St. San Agustin, Iriga City na nadamay sa insidente.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ring ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.