NAGA CITY- Patay ang isang indibidwal matapos na mabangga sa Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Marcial Marinay, 22-anyos, residente ng Purok San Francisco, Barangay Ibabang Dupay sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na habang binabaybay ng isang behikulo na minamaneho ni Alfredo Balmones Santos ang City Bound Lane ng Old Maharlika Highway nang bigla itong mapaliko sa kanang parte ng kalsada at dumeritso sa side walk kung saan nabundol si Marinay.

Matapos nito, nakadiretso pa ang behikulo sa nakaparadang tricycle na pag-aari ng isang Zenaida Ausa de la Cruz, 62-anyos, residente rin ng nasabing lugar.

Samantala, agad naman na dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklara ring dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa kaukulang disposisyon.