NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos magpatiwakal sa Alabat, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Redita, 31-anyos, residente ng Brgy. 1 Poblacion, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita na lamang ang wala ng buhay na katawan ng biktima na nakabigti sa loob ng kanyang pigtatrabahuhan na ice cream store.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman pa na sinubukan umano na kontakin ng kanyang katrabaho na kinilalang si alyas Romeo an biktima pero hindi ito sumasagot kun kaya nagdesisyon na puntahan sa tindahan.

Dito na nadiskubre ang wala ng buhay na katawan ni alyas Redita.

Samantala, bago ang insidente, nabatid na nagkaroon umano ng hindi pagka-intindihan ang biktima at kanyang kasintahan.

Dagdap pa ng mga kapulisan, wala namang nakitang foul play sa pinangyarihan ng insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa pangyayari.