NAGA CITY – Patay amg isang lalaki matapos magpatiwakal sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Alvin Barola, 37-anyos, residente ng Brgy. Malabanban, sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ng isang Rene Sabirao Toledana, 56-anyos, residente ng Bato, Catanduanes ang wala nang buhay na katawan ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na mayroong pinagdadaanang problema sa pamilya ang biktima.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente.