NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang katawan nang isang lalaki sa Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Robert Casamon Ortega, 30-anyos, residente ng Purok 4, Brgy. Dalahican, sa naturang lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita nalang ang biktima ng kanyang mga kapamilya na wala nang buhay habang nasa fishpond.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nagkukumpuni umano nang live electric cable ang biktima habang ang kalahating katawan ay nakalubog sa tubig ng ito’y makuryente na nagin dahilan sa agaran nitong kamatayan.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.