NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na manlaban sa isinagawang anti-illegal drug operations ng mga otoridad sa Zone 4 Bypass Rd. Brgy. Mabulo sa lungsod ng Naga.

Kinilala ang suspek na si Carlo Antonio Nopia residente ng San Miguel Tarusanan, Camaligan Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSMsgt. Tobias Bongon tagapagsalita ng Naga City Police Office (NCPO), sinabi nitong habang nasa gitna umano ng operasyon ng matunugan ni Nopia na pulis ang kanyang katransaksyon.

Kaugnay nito, agad namang nanlaban si Nopia na pinaputukan ang mga pulis rason para gantihan rin ng putok ng mga ito.

Dahil sa malalang tama, agad namang binawian ng buhay si Nopia na hindi na umabot na buhay sa ospital.

Samantala, narekober naman dito ang mahigit 50 grams ng pinaniniwalaang shabu at iba pang drug paraphernalias.

Sa ngayon, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.