NAGA CITY -Patay ang isang lalaki matapos na mauwi sa armed confrontation ang pagsisilbi ng search warrant sa Zone 5, Brgy. Buluang, Bato, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Melecio Lascano, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na magsisilbi sana ng search warrant ang mga otoridad sa suspek para sa paglabag sa R.A.10591 o an Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act nang bigla na lamang aniya nitong pinaputukan ang mga otoridad.

Dahil dito, napilitan ang mga otoridad na gumanti ng putok na naging dahilan ng agad na kamatayan ni Lascano.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, narekober sa pinangyarihan nginsidente ang isang 9mm machine pistol, limang 9mm fired cartridges, apat na 9x19mm luger cartridges at isang magazine para sa 9mm pistol.

Samantala, narekober naman sa posisyon ng suspek an isang caliber.38 na baril na loaded ng tatlong live ammunition at isang magazine para sa Kg 9mm na mayroong live ammunition.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.