NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos paulanan ng baa ng hindi pa nakikilalang suspek sa Sitio Pook, Brgy. Catabang Tiaong, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Lopez Manlangit, 31-anyos residente ng Brgy. Talisay sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Offce QPPO, sinasabing pauwi na mula sa isang kasalan ang

biktima ng bigla itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Kaugnay nito, nagtamo ng malalang tama ang biktima dahilan para agad na bawian ng buhay.

Samantala, sa ngayon patuloy namang inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek maging ang motibo nito sa nasabing krimen.