NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na tagain nang kanyang sariling ama sa Sitio Tala, Brgy Latangan, Mulanay, Quezon.

Kinilala ang biktima na si John Robert De Mayuga Abdula, dalawampu’t taong gulang, residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nag-iinuman ang biktima at ang ama nito na si Carlito Arevalo Abdula, 54-anyos nang magkaroon nang mainit na pagtatalo sa pagitan ng mga ito dahil sa sobrang kalasingan na nauwi sa pananaga ni Carlito sa kanyang sariling anak.

Sa inisyal na imbestigasyon pa ng mga awtoridad, dahil sa insidente nagtamo ng sugat sa kanyang leeg si John Robert na naging dahilan sa agaran nitong kamatayan.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang kaparusahan.