NAGA City- Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng kainuman sa Sitio Bangkoro Barangay Lakdayan, San Narciso, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Marjon Fuerte, 31-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na habang nag-iinuman ang biktima at ang suspek na kinilalang si Gilbert Rabo, residente rin ng nasabing lugar, nang nagkaroon ng mainit na diskusyon ang dalawa dahilan upang pagbabarilin ni Rabo si Fuerte.

Agad naman na dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklara ng dead on arrival ng mga doktor.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na matapos ang nasabing krimen agad naman na tumakas ang suspek sa bukirin na bahagi ng nasabing lugar.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang pagtunton ng mga awtoridad sa kinaroroonan ng nasabing suspek.