Photo© web

Naga City- Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin sa bayan ng Nabua Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMSG Marlon Gallarte – PCAD and PIO Nabua MPS, sinabi nito na mayroong concerned citizen na tumawag sa kanilang himpilan patungkol sa nakita nilang isang bangkay sa Barangay San Vicente Ogbon sa nasabing bayan.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga kapulisan napag-alaman na ang biktima ay binaril ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorskilo.

Papunta sana ang biktima sa nasabing barangay mula sa kanilang bahay para mag deliver ng order na videoke kasama ang kanyang anak.

Advertisement

Sa salaysay naman ng anak nito, habang binabaybay umano nila ang daan nang mapansin na para umanong mayroong sumusunod sa kanilang motorsiklo, at nang marating nga an lugar ng pinangyarihan ay dito na nag overtake ang naturang dalawang sakay ng motor at dito na walanghabas na pinagbabaril ang biktima.

Kaugnay ng insidente, mayroon nang identified na suspek ang mga otoridad subalit hindi pa maisisiwalat sa ngayon.

Samantala, labis naman ang pagdadalamhati ng mga naiwang pamilya ng biktima at hangad ang agarang pagkamit ng hustiya sa pagkamatay nito.

Advertisement