NAGA CITY – DEAD-ON-THE SPOT ang isang lalaki matapos tagain at pagsasaksakin sa Zone 7, Brgy. Salingogon, Minalabac, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Ramon Sy, 34-anyos, residente ng Brgy. Poblacion, sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na sa hindi malamang dahilan, tinaga na lamang ng suspek na si Mardie Belgica, 26-anyos ang biktima at pinagsasaksak sa dibdib na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na narekober sa pinangyarihan ng krimen ang matalim na bagay na ginamit ng suspek.

Napag-alaman din na nasa ilalim ng impluwensiya ng alak ang naturang suspek na agad namang tumakas matapos ang nasabing krimen.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at ang pagtunton sa posibleng kinaroroonan ng suspek.