NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki matapos na magpatiwakal sa Barangay Lagalag, Tiaong, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Arnulfo Galino Gile, 52-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakita na lamang ni Jovelyn Torano, anak ng biktima, si Arnulfo na wala ng buhay at nakabigti sa loob ng kanyang kwarto.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing nakakaranas ng depresyon ang biktima dahil sa sakit na bone tuberculosis na kinakailangan ng drug resistance.

Sa ngayon, nakahimlay na ang katawan ng biktima sa kanilang residensiya sa naturang lugar.