NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos na magpatiwakal sa Brgy. F De Jesus Unisan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Darwin Manuel Alvarez, 43-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na wala ng buhay si Alvarez ng matagpuan ito ng sariling kapatid na nakabitay sa loob ng kwarto nito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na pangalawang beses na itong ginawa ng biktima.

Dagdag pa dito, pinaniniwalaang nagawa ito ni Alvarez dahil iniwan na ito ng ng kanyang live-in partner.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.Top