NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki na nagpalutang-lutang sa ilog sa Brgy. San Marcos, Camaligan, Camarines Sur

Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa bayan ng Camaligan, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Juanito Delos Santos, 50-anyos at residente ng Brgy. Sua/Tampak, sa nasabing bayan. 

Sa naklap impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na isang pedicab driver ang pumunta sa kanilang opisina upang ireport ang umano natagpuan na wala nang buhay na katawan ng biktima na nagpalutang-lutang sa ilog.

Agad naman pumunta ang kanilang mga personahes sa lugar at dito nga nila nakumpirma ang nasabing insidente ngunit pagdating sa lugar ay wala na umano sa ilog ang katawan nito.

Sa imbestigasyon naman ng mga otoridad, nabatid na huling nakitang buhay ang biktima na nakikipag-inuman sa mga kaibigan nito bandang alas-4 ng hapon kahapon, Agosto 24, 2024. Ngunit bandang alas-5 ng hapon nang magpaalam ito na aalis na ngunit aksidente itong nadulas sa kahoy na tulay at nahulog sa ilog na nagresulta naman nang kanyang kamatayan.