NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa Agdangan, Quezon.
Kinilala ang biktima na si alyas Jerry, 54-anyos, residente ng Brgy Sildora, sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ang wala ng buhay na katawan ni alyas Jerry sa loob ng kanilang bahay sa Brgy Sildora, Agdangan Quezon.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, lumalabas na mayroong iniindang sakit na hypertension at diabetes ang biktima.
Maliban dito, sa salaysay ng isang barangay Kagawad, hindi nito nakita ang biktima na lumabas ng kanyang bahay at hindi isinara ang perimeter lights.
Dagdag pa dito, wala namang nakitang force entry sa loob ng bahay ng biktima at ang lahat na kagamitan nito ay intact gayundin walang nakitang foul play sa insidente.
Samantala, ayo naman sa mga doktor, atake sa puso ang ikinamatay ni alyas Jerry
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa nasabing insidente.