NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang isang persona sa Goa, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Anastacio Piñola, 56-anyos, residente ng San Jose sa naturang lalawigan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSgt. Eric Saboco, imbestigador ng Goa PNP, sinabi nito na bumisita an biktima sa pamangkin nito at inalok ng pamangkin na uminom ng alak.
Ngunit sa kalagitnaan ng kanilang inuman, bigla na lamang nagpaalam ang biktima na magpapahinga muna.
Dahil dito, humiga muna si Piñola ngunit nakita na lamang ito ng kaniyang pamangkin na wala ng buhay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na inatake ito sa puso at nabatid din na dati na itong may history ng stroke.
Samantala, nilinaw naman ni Saboco na wala silang nakitang foul play sa naturang insidente.