NAGA CITY- patay na ng matagpuan ang isang lalaki matapos pagtatagain sa San Francisco, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Ronan Fajardo, 35 taong gulang, residente ng Sitio Putting Bato, Barangay White Cliff, sa nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang naglalakad-lakad sa bulubundukin na bahagi ng nasabing barangay ang dalawang menor de edad na anak ng biktima ng makita ng mga ito ang katawan ng kanilang ama na walang buhay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan si Fajardo na ikinamatay nito.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad lalo na ang paghahanap sa posibleng kinalalagyan at pagkakakilanlan ng suspek.