NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa Capalonga, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Salvador Fecundo 51-anyos, residente ng Brgy. Itok sa nasabing lugar.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office, sinasabing natagpuan umano ang biktima na
nakaluhod malapit isang silid na puno ng live wires.

Kaugnay nito, pinaniniwalaang nadikitan ng biktima ang nasabing wire na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Sa ngayon, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.