NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na barilin sa Barangay Camflora San Andres, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Joseph Cial, 34-anyos, residente ng nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang kumakain ang biktima kasama ang kaniyang asawa na kinilalang si Leah Cial at anak nito nang bigla na lamang makarinig ng putok ng baril.

Dito na nakita ni Leah na may taman na ng baril si Joseph na nagresulta nang agaran nitong kamatayan.

Samantala, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang pagtunton sa suspek na nakatakas matapos isagawa ang naturang krimen.