NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos mawalan ng kontrol sa minamehong motorsiklo sa Barangay Magsaysay Lopez, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Robert Pineda Relucio, 53-anyos, residente ng Barangay Dila Sta Rosa, Laguna.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang tinatahak ni Relucio ang kahabaan ng Maharlika highway gamit ang kaniyang motorsiklo nang aksidente itong mawalan ng kontrol na dahilan para matumba ito.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na agad naman na dinala sa ospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay.