NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Alexander Guevara, 43-anyos, residente ng Sitio Tres Mangoes, Barangay Concepcion Banahaw, Sariaya sa nasabing lalawigan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang naglalakad sa kalsada si Guevara nang dumating ang hindi pa nakikilalang suspek at dito na pinagbabaril ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Kaugnay nito, narekober man sa crime scene ang pitong fired cartridge cases para sa caliber .45 na baril, dalawang fired cartridge cases para sa caliber 9mm at isang slug.

Sa ngayon, tinutugis pa ng mga awtoridad ang saralin sa krimen.