NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na magsalpukan ang isang traysikel at bisikleta sa Barangay San Lucas, Calabanga, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Joselito Cabrera, 43-anyos, residente ng Barangay Sto Domingo sa nasabing lugar.

Sa nakalap impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na habang binabaybay ng suspek na si Mark Anthony Coner ang kalsada patungong eastbound gamit ang kanyang traysikel, nang aksidente nitong tahakin ang kabilang linya ng kalsada at aksidente nitong nabundol si Cabrera habang sakay ng kanyang bisikleta.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan si Cabrera na agad naman na dinala sa ospital ngunit idineklara ring dead on arrival ng mga doktor.

Samantala, kusang-loob naman na sumuko ang tricycle driver sa himpilan ng Calabanga MPS, kinaumagahan matapos ang insidente.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.