NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin sa Sitio Bustamante, Barangay Tagbakin, Tiaong, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Noriel Medrano Saez, 47-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na habang nasa labas ang biktima ng kanyang inuupuhan na bahay nang bigla na lamang dumating ag mga hindi pa nakikilalang mga suspek at pinagbabaril ang biktima.

Dahil sa nasabing insidente, nagtamo ng tama ng bala ng baril ang biktima sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan dahilan upang agad itong bawian ng buhay.

Samantala, agad naman na tumakas ang suspek matapos ang nasabing krimen.

Narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang anim na fired cartridge mula sa pinaniniwalaang 9mm caliber na baril.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang hot pursuit operation ng mga awtoridad para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto ng nasabing suspek.