NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin sa Marcial Punzalan Jr. Road, Sitio Gitna, Brgy. Paiisa, Tiaong, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Rodolfo Malayo Mondalico, 34-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang naglalakad ang biktima sa nasabing kalsada ng biglang dumating ang hindi pa nakikilalang suspek at biglang pinagbabaril si Mondalico.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na dahil nasabing insidente, nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima, dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Advertisement

Samantala, narekober pa sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang fired cartridge cases ng Caliber .45 na baril at dalawang metal fragments o slug ng isang hindi pa malamang uri ng baril.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad lalo na sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek na agad naman na tumakas matapos ang krimen.

Advertisement