NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na Si Alyas Baco, 28-anyos, residente ng Purok 1, Brgy. Gibanga, nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na isang concern citizen an tumawag sa hepatura ng Sariaya, Municipal Police Station hinggil sa insidente ng pamamaril.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na habang kumakain sa isang restaurant ang biktima at nakatalikod, nang biglang dumating ang hindi pa nakikilalang suspek at sa di pa malaman na dahilan ay pinagbabaril nito si Alyas Baco sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan na naging rason ng agaran nitong pagkamatay.

Sa ngayon patuloy ang isinasagawang imbestigayon ng mga awtoridad, lalo na sa paghahanap at pag-alam sa pagkakakilanlan ng suspek.